My adventure in Mars

May napanaginipan ako kaninang umaga. Ang awesome nya, and at the same time, weird. Pero pramis ang awesome nya. Haha. The story goes like this: One time kinuha saw kami ng NASA para sa isang astronaut suit test. (I don’t know what it’s called so let me call it an astronaut suit, okay? Haha!) So ayun na nga. Dalawa kaming nakuha. Me, and then some random girl na hindi ko na naman matandaan yung mukha. So the test went on. Pinadala na kami sa outer space para matest yung bagong suit. When we were told to go out the space shuttle, naexcite kami. First time kasi namin maka punta sa outer space. The suit was great. Sobrang komportable. Para lang kaming napakapambahay yung pakiramdam. Natest na namin yung mobility ng suit. May oxygen propelled jet pack na nakakabit in case na gusto naming magikot ng onti. Nung pinapabalik na kami, may something na malaki na biglang tumama sa earth. Hindi namin nakita pero parang ilaw. Parang laser? Tapos nakita namin yung earth, sumabog!! In front of our very own eyes. Hindi namin narinig yung explosion. Pero alam nyo yung times na, maiimagine nyo kung ano yung tunog ng isang bagay kahit dine-describe Lang sa inyo? Ganon. Tas natulala nlang kami ng kasama ko hanggang sa inabutan nlang kami ng force ng impact at tangayin kami papalayo sa patuloy na nagugunaw na earth. Sa lakas ng impact, napadpad kami ng kasama ko sa Mars. Yep, MARS. You know whats surprising? THERE IS LIFE ON MARS. (I know, my dream is taking it to the extremes. Haha.) And yes, may aliens sa Mars. Pero hindi sila yung katulad ng iniimagine natin na puro balat, malalaki ang mga mata, malaki ang ulo at puro wrinkles. Hindi. Napanuod nyo na na yung Zathura? Yung alien dun na tinatawag nilang Zorgons? Ganun ang itsura ng nga aliens na nakita namin. Pero may pinagkaiba ng onti. Mas payat sila ng onti at Mas advance yung technology nila. Meron silang naka-attach sa left eye nila na parang mga Geiger Counters sa Dragonball. Pero iba yung form ng sakanila. Kung yung sa Dragonball na geiger counter e isang manipis na glass tas nakakabit sa tenga, yung sakanila naman e parang mga mini telescope na ginagamit ng infrared sensors para maka-detect ng life forms. Natatakot yung kasama ko so pina-stay ko muna say dun sa likod ng bato na pinagtataguan namin. Ako naman eh sumulong para magimbestiga. Habang papalapit ako sa parang camp nila, may napulot akong parang relo. Hindi pamilyar sakin yung structure ng weird na relo na yun kaya naisip ko malamang sa mga alien to. Duh. -.- Haha. Sinubukan ko muna kung ano magagawa nun. May punindot akong button. Nagii-spray ng buhangin.. -_____- Ang useless grabe. Pero syempre, yun lang ang tanging magagamit ko laban sa kanila kaya kinuha ko narin. Tapos ayun na nga. Dahan dahan akong lumapit sa camp nila. Oo camp lang. Kasi parang sobrang liit lang nun place para maging base mismo. E di todo stealth mode aketch. Baka mahuli’t makain eh. HAHA. Nung nakalapit na ko sa isa sa mga parang kulungan, nagulat ako. Tao yung mga nandun sa loob. Nakakandado sila. Parang bang planado yung pagkasabog ng earth para hulihin yung mga tao dun. Pero imposible. Ang bilis at ang lakas ng pagsabog na nakita namin. Paano nila nagawa yon? Yan ang mga katanungang tumakbo sa isipan ko. Napagisip-isip ko, kailangan kong iligtas yung mga taong to. Kailangan kong iligtas ang lahi namin.

After ng part na to hindi na naging malinaw yung mga natatandaan ko eh. Puro putol putol na. May part na may pinasok akong isang parang bus para pakawalan yung mga nahuling mga tao. Tapos nakita ako ng isang guwardya na alien pero na-sprayan ko agad gamit nung napulot ko. At yung buhangin pala na inii-spray ng relong napulot ko, e hindi lang basta buhangin. Nakakatunaw din. Yun yung ginamit kong panlaban sa mga aliens. Tapos may part na habulan na. Kasama ko na tumatakbo yung babaeng kasama kong magtest ng suit. Tapos yun na. Nagising na ko. Amp lang. Nabitin ako sa panaginip ako. Ang exciting na eh. Tapos nagising ako. HAHA. Epal. So ayun. Shinare ko lang. Sana ma-amaze kayo katulad ng pagka-amaze ko. HAHAHAHA! Pasensya kung mahaba. Sana basahin nyo. :DD

  1. akosikreto posted this